Natagpuan ng isang resident ang hinihinalang shabu sa gitna ng dagat na bahagi ng Fuga Island, Aparri, Cagayan kahapon, ika-31 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Ang plastic na nakabalot sa umano’y shabu ay mayroong nakasulat na Chinese character kung saan kapareho ito sa natagpuan sa dalampasigan ng Sanchez Mira noong ika-29 ng Hulyo.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing mga pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at hinikayat ang publiko na maging mapagmatyag at isangguni agad sa malapit na Police Station kung mayroon mang kahina-hinalang aktibidad.# | (Driz)