3 sugatan sa aksidente sa Quezon, driver, nadurog ang paa

Nadurog ang kanang paa ng lalaki habang nasugatan sa binti ang angkas niyang babae at gasgas sa ulo ang isang apat na taong gulang na lalaki.

Ito ay matapos silang sumemplang sa motorsiklo habang dumadaan sa Sitio Ranaw, Barangay Maasin sa Quezon, Palawan umaga ng Huwebes, August 1.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Kinilala ang driver na si Jojie Agay, 25- anyos, at ang kanyang kasamang babae ay si Renilyn Uba, 34- anyos, na parehong residente doon.

Ayon sa mga rescuers ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office- Quezon, maaaring nawalan ng kontrol si Jojie kaya sila sumemplang sa gilid ng kalsada.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dinala agad sila sa Quezon Medicare Hospital para sa kaukulang medikal na atensyon dahil sa mga seryosong pinsala na kanilang tinamo sa aksidente.