Umano’y planong pamamahiya kay Marcos, bineberipika na ng DILG

Vine-verify na ngayon ng Department of Inrerior and Local Government ang mga ulat ng ‘di umano’y planong pamamahiya kay President-elect Bongbong Marcos.

Ginawa ni Interior Secretary Eduardo Año ang pahayag matapos ang isiniwalat ni dating senador Juan Ponce Enrile na nakatanggap ito ng intel kung saan ay manggugulo umano ang ilang mga grupo mula sa Amerika at sa Pilipinas para ipahiya si Marcos.

Sa pulong balitaan sa Kampo Krame, sinabi ni Año na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na ulat hinggil dito.

Sa kabila niyan, tiniyak ng Kalihim na handa silang harapin at agapan ang mga planong panggugulo sa papasok na administrasyon.

Muli rin nitong pinasaringan ang mga makakaliwang rebelde dahil kahit sino naman daw ang maupo sa Malacañang ay talagang tinututulan ng mga ito.

Sa ngayon, mas pinaigting pa aniya ang seguridad sa panunumpa ni Marcos at tiniyak na walang panggugulong mangyayari sa susunod na gobyerno.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *