PNP, nanindigang ‘hindi scripted’ ang ginawang pagsuko ng nanagasang SUV drayber

Nanindigan ang Philippine National Police na hindi planado at ‘scripted’ ang ginawang pagharap ni Jose Antonio Sanvicente sa live media press conference.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na maging sila umano ay nabulaga sa paglantad nito.

Aniya, nakatanggap lamang sila na mayroon nang efforts mula sa kampo at pamilya ni Sanvicente na susuko na ito.

Nataon namang mayroong live na programa ang PNP kaya iniharap na rin ito sa mga kawani ng media.

Bago ito, una nang dumipensa si PNP Direcorate for Operations Maj. Gen. Val de Leon sa mga bumatikos sa press conference ni Sanvicente.

Inulan kasi ng batikos ang hindi pag-aresto sa drayber na ito at pinaharap pa sa media – taliwas sa sinapit ng sinagasaang guard na hindi nabigyan ng media coverage.

Ayon kay de Leon, matapos ang mga inihaing reklamo laban kay Sanvicente sa Korte ay ipauubaya na nila rito ang pagre-release ng arrest warrant.

Aminado rin itong mas nabigyan nga ng media mileage ang nanagasang drayber kaya bukas daw sila na magkaroon ng pagbabago sa polisiya ng PNP PIO at maari rin umanong humarap ang biktimang security guard sa media.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *