Ukraine, nakatakdang palitan ang kanilang Defense Chief

Papalitan ng chief of military defense si Ukarainian Defense Minister Oleksii Reznikov bago ang inaasahang opensiba ng Russia at kasunod ng eskandalo sa katiwalian ayon sa isang senior lawmaker na malapit kay Pangulong Volodymyr Zelensky.

Sinabi ni legislator David Arahamia na pamumunuan ngayon ni Kyrylo Budanov ang Defense Ministry habang si Reznikov ay hihirangin bilang minister for strategic industries.

Ang 37-taong-gulang na Budanov, na may hawak na ranggong major general ay namuno sa military intelligence mula noong August 2020 habang si Reznikov ay inappoint bilang defense chief noong November 2021.

Ginawa ang reshuffle matapos ang isinagawang talumpati ni Zelenskyy kung saan naghahanda na ito sa mga negosasyon na magpapalakas ng kanilang sundalo at mabigyan ng higit pang international support ang Ukraine.//CA