Hindi kaagad naka-commit ang Pinay tennis star na si Alex Eala na maglaro para sa Pilipinas sa darating na Southeast Asian Games at Asian Games sa huling bahagi ng taong ito.
Sinabi ng 17-anyos atleata na nasa Pilipinas ngayon para magbakasyon kasama ang kanyang pamilya, gusto niyang kumatawan sa bansa sa parehong multi-sport event.

Gayunpaman, sa ngayon ay hindi pa napag-uusapan ito sa kanyang team.
Si Eala ay three-time bronze medalistsa SEA Games, kung saan lahat ng tatlong medalya ay galing sa 2021 Vietnam SEA Games. Doon, nanalo siya ng bronze sa singles, mixed doubles, at team events.//CA