Ipinagkipit-balikat ng Ukraine ang ultimatum ng Russia na isuko ang port city ng Mariupol sa Russian forces kung saan ay nagaganap ang matinding labanan.
Sinabi ni Deputy Prime Minister Iryna Vereshchuk na hindi pwede magkaroon ng pag-uusap tungkol sa pagsuko ng mga armas.
Ayon sa opisyal, nasabihan na nila ang Russian forces tungkol sa kanilang desisyon.
Iginiit niya na “deliberate manipulation” at “real hostage situation” na ang nangyayari.

Mababatid na hinimok ng Russia ang defense forces na sumuko bago mag alas-5 ng umaga ng Lunes.
Inihayag ng Russian defense ministry na bubuksan nito ang humanitarian corridors upang makalikas ang mga residente ng bandang alas-10 ng umaga kung papayag na sumuko ang mga otoridad sa Mariupol.