Ukraine hindi na ipipilit na maging kasapi ng NATO

Inihayag ngayon ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na hindi na niya pinipilit ang pagiging kasapi ng NATO para sa Ukraine.

Nabatid na isa ito sa mga naging dahilan kung bakit sinalakay ng Russia ang naturang bansa.

Maliban dito sinabi din ni Zelensky na bukas siya sa “kompromiso” sa katayuan ng dalawang breakaway na pro-Russian na teritoryo na kinilala ni Russian Vladimir Putin bilang independent bago pa man isagawa ang pagsalakay noong Pebrero 24.

Sinabi ng Russia na hindi nito nais na sumali ang kalapit na Ukraine sa NATO, ang transatlantic na alyansa na nilikha sa pagsisimula ng Cold War upang protektahan ang Europa mula sa Soviet Union.