Ocular inspection sa mga binahang lugar sa Lake Sebu, isasagawa!

KORONADAL CITY — MAGSASAGAWA ng ocular inspection ang municipal government ng Lake Sebu, South Cotabato sa mga lugar na labis na naapektuhan ng pagbaha dahil sa mga pag-ulan.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Liga ng mga Barangay Chairman Bernardo Caat, may mga volunteers nang ipinadala upang masiguro ang kaligtasan ng mga residenteng nananatili sa kanilang mga tahanan.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Ito’y dahil hanggang sa ngayon, makulimlim at may mga pag-ulan pa rin na nararanasan sa Lake Sebu at karatig mga lugar.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Kabilang sa mga labis na naapektuhan ng pagbaha ay ang mga barangay na nasa mababang lugar.
Magbibigay din umano sila ng inisyal na tulong sa mga nagsilikas.