Ubo’t sipon, nangunguna sa health concerns sa Mayon evacuees sa Albay

LEGAZPI CITY – Kumpirmadong nangunguna ang ubo at sipon sa mga health concerns ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga bakwit ng Bulkang Mayon.

Ayon sa ahensya, ang pagkati ng lalamunan dulot ng ubo’t sipon kahit pa walang lagnat ay kanilang tinututukan lalo na sa loob ng evacuation centers.

Mayroon umanong 10 mga sakit o sintomas na nag-uudyok sa mga bakwit na kumonsulta sa mga medical help desk personnel.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa datos mula sa SPEED Daily Morbidity and Daily reporting Linelist mula Hunyo 12 hanggang Hulyo 4, nangunguna rito ang ubo at sipon o pagkati ng lalamunan kahit walang lagnat na may 1,205 na mga kaso; sinusundan ito ng lagnat na may 360 kaso; pananakit ng ulo na may 204 kaso; open wounds at mga pasa na may 183 kaso; at LBM o diarrhea na may 157 kaso.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa kabilang banda, mayroon namang 150 kaso sa high blood pressure; pananakit ng ngipin na may 131 kaso; pananakit at pamumula ng mata na may 120 kaso; sakit sa balat na may 74 kaso; at abdominal pain na may 70 kaso.