NAGA CITY- Walang naitalang HIV o Human Immunodeficiency Virus ang lokal na pamahalaan ng Pili, Camarines Sur simula Enero.
Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga ng makapanayam si Municipal Health Officer Dr. Rafael Salles.
Aniya, sa kabila nito hindi pa rin natatapos ang kanilang kampanya na labanan ang naturang kondisyon. Bukas palagi ang kanilang health center sa mga nais magpa-konsulta at kumuha ng nasabing test.
Bago sumailalim sa test ay dadaan muna sa counseling upang mabigyan sila ng nararapat na kaalaman ukol dito. Ayon pa rin sa opisyal, parte ng kanilang protocol na kumuha ng HIV test ang mga buntis, may tuberculosis at lung problem para malaman kung sila ay positibo at kailangan ng asistensya.
Parte rin ng kanilang data privacy o confidentiality.
Maliban sa HIV test ay pinapalawig din nila ang school base dissemination of information para mas mapatibay ang impormasyon ng mga kabataan at malayo sila sa naturang sakit.