UAAP, bukas na maisama sa liga ang boxing at weightlifting matches

Nakokonsidera nang maisama sa UAAP calendar ang mga sports na boxing at weightlifting.

Sinabi ni UAAP executive director Attorney Rebo Saguisag, na bukas ang liga sa nasabing ideya, bilang suporta sa national sports programs.

Read More:  Alex Eala advances to Hong Kong Open semifinals after defeating Croatia’s Antonia Ruzic

Ipinunto niya na magiging hamon ito para sa mga member schools dahil sila ang maatasan na magbukas ng bagong teams at sa pag-maintain nito.

Read More:  San Miguel forces deciding Game 5 against Ginebra; Converge advances to semifinals

Sa kasalukuyan ay meron 16 na regular sports ang UAAP sa full season calendar nito.

Gayunman, suspendido ang mga laro ngayon dahil sa COVID-19 pandemic na dahilan para mabasura ang buong 83rd season ngayong taon.