Tinanggihan ng North Korea ang tinatayang nasa 3-million COVID-19 vaccine doses mula sa Sinovac Biotech ng China.
Sinabi ng UNICEF na inirekomenda ng North Korea na maipadala na lamang ang mga doses ng Sinovac vaccine sa mga bansa na labis na naapektuhan ng pandemya.
Ipinunto ng public ministry ng naturang bansa na limitado ang global suplay ng mga bakuna, at maraming bansa ngayon ang nakararanas ng surges ng virus.

Sa ngayon ay wala pang napapaulat na kaso ng COVID-19 sa North Korea, at wala pa itong ipinatutupad na istriktong anti-virus measures katulad ng border clossures o pagbabawal sa mga byahe.
Inihayag naman ng UN agency na humahawak sa suplay ng COVAX scheme para sa mga low-income na bansa, na patuloy na makikipag-ugnayan ang ministry sa COVAX facility para sa pagtanggap ng mga bakuna sa mga darating na buwan.