UAAP: Ateneo, nakuha ang 9th straight win vs EU

Hindi naging sapat ang ipinakitang gilang ng University of the East (UE) sa second half ng kanilang laro, matapos matalo ng Ateneo de Manila University sa Season 84 UAAP men’s basketball second round eliminations.

Read More:  Alex Eala beats Tereza Valentova in close match, advances to Hong Kong Open quarterfinals

Dahil dito, naibulsa ng Blue Eagles ang 76-63 win, na 9th straight na ngayong season at 35th consecutive overall.

Kaugnay nito, pinangunahan ni BJ Andrade ang galaw sa kanyang career-high 19 points at 3 assists.

Read More:  Alex Eala climbs to career-high No. 17 in WTA rankings

Nag-ambag naman si Ange Kouame ng 14 points, 15 rebounds, 3 assists, isang steal, at block, habang si SJ Belangel ay nagtapos sa 13 points, 2 assists, at 2 steals. //MHEL PACIA-TRINIDAD