Nagpakita ng magandang galaw ang Adamson University sa parehong opensa at depensa dahilan para makuha ang 62-55 win laban sa National University sa Season 84 ng UAAP men’s basketball tournament.
Kaugnay nito, si Jerom Lastimosa ang all-around man para sa Soaring Falcons, na nagtapos sa 17 points, 5 rebound, 4 assists, 2 steal, at 3 blocks.
Nagdagdag naman si Didat Hanapi ng 13 points at 5 boards, habang si Keith Zaldivar ay nakakuha ng 10 points, 4 rebounds, at isang block.

Sa panig naman ng NU, pinangunahan ang laro ni Janjan Felicilda sa kanyang 13 points, 3 assists, at 2 rebounds.
Sa ngayon, hawak na ng Falcons ang 3-6 record at nananatiling pursigido na makuha ang final 4 spot