Tyson Fury, napanatili ang world heavyweight title

Napanatili ni Tyson Fury ang kanyang WBC heavyweight crown nang matalo nito si Dillian Whyte sa round six ng all-British bout sa Wembley Stadium.

Ang pagkapanalo ng self-styled ‘Gypsy King’, na lumaban sa UK sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon, ay sinaksihan ng 94,000 fans sa London — na isang umano post-war British record crowd.

Read More:  PLDT dominates ZUS Coffee for back-to-back PVL wins

Ayon sa unbeaten na si Fury, na ito na ang kanyang huling laban.

Samantala, kung hindi naman susundin ni Fury ang kanyang plano na magretiro na, may tsansa na makakaharap umano nito si Oleksandr Usyk — ang kasalukuyang WBA, IBF at WBO champion — o ang kapwa British fighter na si Anthony Joshua para sa undisputed crown.

Read More:  Pinoy surfer John Mark Tokong advances to Round 2 of World Surf League

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Fury si Whyte bilang “warrior”, kung saan nakikita umano niya itong magiging world champion balang araw.