Tahasang inihayag ni National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) chairman Gus Lagman na binawalan umano ang mga poll watchers na mag-obserba sa 70% ng ballot-printing operations.
Pagbabahagi ni Lagman, pinayagan lang silang manuod nang nasa less than third nalang ang natitira sa ballot printing process, hindi umano gaya noong mga nakaraang halalan.
Ayon sa Lagman, ang pagharang sa mga poll watchers mula sa pag-obserba sa printing process ay labag sa batas, at tinitingnan rin ng Namfrel volunteers ang iba pang paglabag na maaring nagawa ng Commissions on Elections (Comelec).

Mababatid na batay sa Omnibus Election Code, nakasaad na kailangang payagan ng Commission ang sinuman na mag-obserba sa pag-imprinta ng mga balota at election returns sa kahilingan ng mga kandidato, political party o civic, religious, professional, business, service, youth o anumang kaparehong designated organization. //MHEL PACIA-TRINIDAD