Inanunsyo ni WBC heavyweight champion Tyson Fury na magreretiro na siya sa boxing sa kanyang ika-34 na kaarawan.
Sa kanyang tweet, nagpasalamat ito sa lahat na suporta sa kanyang career.
Ang naturang anunsyo ay sinalubong ng mga pagdududa, matapos unang sabihin ni Fury na ang kanyang intensyon na magretiro ay para makabalik sa ring.
Mababatid na inaasahang lalaban ito sa winner ng Oleksandr Usyk’s rematch kay Anthony Joshua sa August 20 para sa tsansa na ma-unify ang world heavyweight titles.
Si Fury ay magreretiro na undefeated sa record na32 wins at isang draw mula sa 33 bouts.
Una nang sinabi ng Brit bago ang kanyang panalo kay Dillian Whyte noong Marso na magreretiro na siya matapos ang naturang laban, dahil mayroon na umano siyang P150 million sa banko at wala na siyang dapat na patunayan.
