NBA itatago na ang jersey ni Boston Celtics great at civil rights icon Bill Russell

Itatago na ng National Basketball Association (NBA) ang number 6 jersey na isinuot ni Boston Celtics great at civil rights icon Bill Russell, na pumanaw noon lang nakaraang buwan.

Si Russell na 11-time NBA champion at kauna-unahang Black coach ng liga, ang unang player na nagretiro ng numero sa lahat ng buong teams sa NBA.

Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, deserve na parangalan sa kakaiba at makasaysayang paraan ang hindi mapapantayang tagumpay ni Bill Russell sa court at pioneering civil rights activism.

Dagdag ni Silver, na ang permanenteng pagtanggal sa kanyang No. 6 sa lahat ng NBA team ay magtitiyak na ang transcendent career ni Bill ay laging kikilalanin.

Ang superstar noong 1950s at 1960s ay napili bilang All-Star sa loob ng dose-dosenang beses sa loob ng kanyang 13 taon sa Celtics, kung saan siya ang naging sport’s leading voices para sa civil rights at social justice sa United States.