Turnout ng mga enrollees sa Bicol, hindi pa umano masasabing bumaba o tumaas – DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Masiyado pa umanong maaaga sa ngayon kung sasabihin na tumaas o bumaba ang turnout ng mga enrollees sa Bicol Region para sa academic year 2024-2025. Ito ang inihayag ni Department of Education Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil sa Brigada News FM Legazpi kasunod ng mga natanggap na komento ng ilan na mababa raw umano ang mga bilang ng mga nag-enroll ngayong school year.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Ayon sakanya, hindi pa naman ito masasabi sapagkat active pa ito ngayon at quick count palang ito mula sa Learner’s Information System. On-going pa naman kasi sa mga pampublikong paaralan ang enrollment – nangangahulugan, patuloy pa silang nag-aaccommodate ng mga enrollees.

Maliban dito, may mga private schools sa rehiyon na hindi pa nagsasagawa ng enrollment, pangalawa, mayroon ding mga paaralan na hindi pa nakakapag-report ng LIS sa DEPED at mayroon ding mga magulang na hindi pa nag-eenroll ng kanilang mga anak.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Binigyang-diin ni Jumamil, ito ang kanilang mino-monitor upang maabot nila ang target na mahigit 1.7 million learners ang makapagpa-enroll sa school year na ito.