Inflation nitong Enero – sumipa pa sa mas mabilis na 8.7%

Hindi pa rin nagpapaaawat sa pagbilis ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sumipa pa sa bagong 14-year-record-high na 8.7% ang inflation ng bansa nitong Enero.

Mas mabilis pa ito sa 8.1% na inflation noong Disyembre.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Mas mataas din ito ng 3% sa inflation noong Enero ng nakaraang taon.

Kontra ito sa naging pagtataya ng mga economic managers na posibleng nag-peak na ang inflation at unti-unti na raw sana itong bababa ngayong taon.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ayon kay PSA chief Dennis Mapa, ang tinitingnang dahilan ng pagbilis ng inflation ay ang mataas na presyo ng iba’t ibang serbisyo gaya ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels.

Mataas din ang na-contribute ng presyo ng mga gulay partikular na ang mga sibuyas na nag-aamount sa 1.1 percentage points mula sa kabuoang inflation.