Turismo sa Legazpi City, nakakarekober na

LEGAZPI CITY- Matapos ang mahigit dalawang taong paghihigpit dahil sa Covid-19 pandemic, nagsisimula nang bumangon at makarekober ang turismo sa Legazpi City..

Ayon kay Agapita Pacres, City Tourism Office ng LGU Legazpi, sa tulong ng mga local tourists na nagsisidayo sa mga nagsibukasan ng tourist attraction sa lungsod, malaki ang naging kontribusyon nito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya, may mga foreign tourist na rin ang pailan-ilan na dumarating o nagsisipagpuntahan sa lungsod upang magbakasyon at bumisita muli sa mga tourist attraction.

Aminado ito na bumaba ang bilang ng turismo mula sa 68,000 noong 2020 kumpara sa mahigit 1.2-million na turista noong pre-pandemic 2019.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dahil dito, sa kasagsagan ng pandemya, ilang mga hotel, restaurant, at iba pang mga establisemento ng negosyo ang tumigil sa kanilang operasyon dahil sa mga lockdown.

Ang taon 2021 ay nasa 98K o 30% na rin ang humigit kumulang na itinaas na bilang nf turismo sa lungsod.