2 opisyal ng Bayan Muna at Anakpawis, arestado sa checkpoint

SORSOGON CITY – Arestado ang dalawang opisyal ng Bayan Muna at Anakpawis sa ikinasang checkpoint ng mga awtoridad sa Brgy Cumadcad, Castilla, Sorsogon.

Kinilala ang mga ito na sina Percival Torres Dellomas, alias Percy, 42-anyos, binata, Provincial Chairman ng Bayan Muna at Anakpawis at naninirahan sa Brgy Zone 2, Bulan at Darwin Guamos Guelas alias Ken, 33-anyos, binata, Municipal Chairman ng Bayan Muna at Anakpawis at residente ng P6, Brgy Beguin ng parehong bayan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Batay sa ulat, ang dalawa ay may mga nakabinbin na kaso kung kaya’t inabangan ng mga awtoridad ang mga ito habang lulan ng pampasaherong van papuntang Albay at naflagged-down sa nasabing lugar.

Inihain sa mga ito ang kani-kanilang warrant of arrest kung saan si Dellomas umano ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11479 o anti-terrorism act habang si Guelas ay sa kasong murder, mga kasong walang piyansa.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Kasalukuyang nasa kustudiya ng Castilla MPS ang dalawang akusado.

Agad namang nagpalabas ng Alert at pagkondena ang ibat-ibang progressive groups at pinanawagan ng mga ito ang agarang pagpapalaya sa dalawang akusado na sinampahan lang umano ng gawa-gawang kaso.