Isang pamilya sa General Santos City kamakailan ang kumasa sa ipon challenge kung saan, tulong-tulong sila para makamit nila ang pinapangarap na sasakyang van para sa kanilang negosyo.
Matapos ang isang taon, kamakailan lamang, binuksan na ng pamilya ang kanilang ipon na nakasilid sa 6 na alakansiya na puro P1,000 bills ang nilalaman.
Umabot lang naman ito ng tumatigingting na P2.3 million na lubhang ikinatuwa ng pamilya at siya namang kinagiliwan ng mga netizen online.
Nakamit nila ito dahil sa kanilang kita sa mga negosyo na siyang nagiging panghulog nila sa araw-araw.
Sa ngayon, plano ng pamilya na bilhin ang kanilang ninais na sasakyang van at kung may sosobra, plano nila itong idagdag sa pagpapalago ng kanilang negosyo.###WENCY LISAY