Mahigit P30B na tulong sa palay producers, sasapat na raw – Kongresista

Kumpiyansa si Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan na lalakas ang produksyon ng palay ngayong taon sa kabila ng banta ng tagtuyot.

Ayon kay Yamsuan, malaking tulong ang halos 31 billion pesos sa ilalim ng 2024 National Budget na ilalaan para sa National Rice Program ng Department of Agriculture na susuporta sa palay producers.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Siniguro rin ng kongresista na makatatanggap ang maliliit na rice producers ng ayuda na nagkakahalaga ng mahigit labinlimang bilyong piso mula sa tariff collection sa imported na bigas noong 2023.

Bukod sa NRP, may makukuha aniyang pondo mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF ang iba pang programa ng gobyerno at mga magsasaka ng palay.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ikinatuwa naman ni Yamsuan ang pag-apruba ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagkakaloob ng tig-limanlibong piso sa mahigit dalawang milyong magsasaka na nagsasaka sa dalawa o mas mababang ektarya ng lupain.

Kasabay nito ay isinusulong ng mambabatas ang panukala na layong ipagpatuloy ang pagbibigay ng financial assistance sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pensyon na magmumula sa bubuuing pondo.