DepEd hindi magpapatupad ng academic break kahit nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Camarines Norte dahil sa COVID- 19

CAMARINES NORTE- “We will not implement academic break”.

Ito ang tugon ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo nang matanong kung magpapatupad ba ng academic break dito sa Camarines Norte na nasa ilalim ngayon ng  Alert Level 3 dahil sa COVID- 19.

Sa mensahe sa Brigada News FM Daet sinabi ni Guemo na hindi  kailangang magpatupad ng academic break ang Division Office  dahil hindi naman pumupunta sa eskwelahan ang mga bata at nasa bahay lang ang mga ito para sa distance learning.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Gayunman kung magdeklara umano ng academic break ang Local Government Unit ay tatalima ang DepEd at magsusumite ng report ukol dito sa kanilang higher office.

Maaari daw kasi itong gawin ng LGU sa pamamagitan ng consultation sa Local IATF.

Ayon pa kay Guemo maaari din namang mag desisyon ang Regional o Division Office ng suspension ng klase basta hindi ito lalagpas ng dalawang linggo sa loob nitong buwan ng Enero.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Noong nakaraang linggo ay nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers sa pamahalaan na magdeklara ng dalawang linggong “health break” sa mga paaralan na nasa  ilalim ng Alert Level 3 dulot ng patuloy na paglobo ng COVID-19 infections.

Batay sa datos ng Department of Health sumampa na sa 566 ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte matapos na makapagtala kahapon ng 67 bagong kaso ng sakit.