NAGA CITY- Magpupulong ang mga negosyanteng miyembro ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) upang ihanda tulong sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa probinsya ng Sorsogon.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay MNCCI President Mario Villanueva bago ang kanilang gagawing pagtitipon bukas. Aniya nakikipag-ugnayan na sila sa mga counter parts sa Sorsogon upang mabatid kung ano pa ang kinakailangan ngayon.
Una nang sinabi ni Governor Chiz Escudero na kung pagkain mas mainam kung hindi na maproseso sa pagluto o mga ready to eat na dahil hindi pa nakaset-up ng mga lutuan sa mga evacuation centers pero kapag mayroon na wala nang problema kahit ano.
Ang iba sa mga negosyante sa Sorsogon ay mga kasama ng MNCCI sa Bicol Regional Tourism Council.
Bukod kina Villanueva may ilan pang grupo na nagsasagawa ng donation drive.