Daet emergency operation Center nagparating ng kanilang kahandaang tumulong sa lalawigan ng Sorsogon kung sila ay kakailanganin

CAMARINES NORTE- Nagpahayag ng kanilang kahandaan na tumulong ang Daet emergency Operations Center kung sila ay kakailangan sa lalawigan ng Sorsogon

Ito ay dahil sa nakakabahalang situwasyon hatid ng biglaang pagsabog ng bulkang bulusan nitong linggo

Ayon kay Santiago Mella, MDRRM Officer ng Daet sa lalawigan ng Camarines Norte, agad nilang i-nactivate ang kanilang mga kasama sakaling kakailanganin ang kanilang tulong o kaya ay kung may mga equipment na kakailanganin.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Isa ang naturang opisyal sa mga aktibong CADRE and Crisis Managers sa Bicol Region

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Samantala, bukod sa Daet EOC ay kapwa rin nagpahayag ng kanilang kahandaang sumugod sa mga affected areas ang mga Responders mula sa Iriga City sa pangunguna ni Marieser Almelor, CDRRM officer ng naturang lungsod at si Isaias Bigol, Jr. ng Masbate City CDRRMO sakaling lumaki ang pangangailangan sa response operation.