‘Tulak’ huli sa droga sa ‘Friday the 13th’

SORSOGON CITY – Minalas sa ‘Friday the 13th‘ ang 52-anyos na lalaki na nakakulong na ngayon matapos matimbog sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Sorsogon City Police alas 9:30 kaninang umaga sa Sitio Madan-an, Brgy Bibincahan lungsod ng Sorsogon.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Kinilala ang suspek na si Fernando Lascano Ana alias Pando, hiwalay sa asawa, residente ng Brgy Burabod, Sorsogon City. Umano’y nasa provincial recalibrated listing ang nasabing suspek.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Nasamsam dito ang 5 plastic sachet ng hinihinalang shabu kung saan ang dalawang pakete ay ibinenta sa pulis na nagpanggap na buyer sa halagang P2, 000.00.

Mahaharap ang suspek sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.