3 bayan at 1 syudad sa Isabela, nakapagtala ng kaso ng delta variant

Naitala mula sa tatlong munisipalidad at isang syudad ang 13 delta variant cases sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Elizabeth Binag, ang information officer ng Isabela Provincial Government sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Mula sa naturang bilang, 10 ang mula sa bayan ng Tumauini, at tig-isa sa Luna, Divilacan at Santiago City.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, wala pang impormasyon kaugnay sa history ng mga pasyente at kung kailan sila nagpositibo sa delta variant gayunman kinumpirma rin nitong nakarekober na ang mga pasyente noon pang August 3, 2021.

Ayon pa kay Atty. Binag, sa ngayon ay pinaiigting na ang contact tracing ng mga naturang LGU sa mga posibleng nakasalamuha ng mga pasyente nang hanggang sa 3rd degree contacts.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sinabi pa nito na kinuha na rin ng LGU Tumauini ang 10 contact tracers ng DILG bilang karagdagang tutukoy sa mga close contacts ng mga nagpositibo.

Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang panlalawigan sa apat na LGU kaugnay sa kanilang mga pangangailangan at mga ginagawang hakbang sa pagtugon sa mas nakakahawang COVID-19 variant.