Padadalhan ng showcause order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang driver pati na ang operator ng isang pampasaherong jeepney matapos pahiyain at pababain ang isang babaeng pasahero sa Parañaque City.
Ito ay matapos magviral ang isang video sa social media kung saan ipinahiya, sinisingil ng doble at pilit na pinabababa ng tsuper at konduktor ng jeepney ang isa nilang babaeng pasahero.
Ayon kay LTFRB Spokesperson Celine Pialago, posible silang maharap sa patong patong na paglabag sa terms and conditions ng certificate of public convenience kabilang anf unjust discrimination, at kakulangan ng courtesy at overcharging sa nabanggit na pasahero.