Trillanes kay Pacquiao, parehong gusto ng kapangyarihan – PRRD

Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa sa matindi nitong kalaban sa pulitika na sina Senador Manny Pacquiao at dating senador Antonio Trillanes IV.

Ayon sa Pangulo, parehong gusto nina Pacquiao at Trillanes na makahawak sa kapangyarihan dahil posibleng nakakita sila ng oportunidad para sa kanilang mga sarili.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Sinabi ng Punong Ehekutibo na panay daldal lang si Trillanes at sa katunayan ay hindi naman ito lumalaban sa debate.

Matatandaan na inakusahan ni Trillanes kamakailan ang Pangulo at ang malapit nitong kaalyado na si Senator Christopher Bong Go na sangkot sa salang plunder na nagkakahalaga ng P6.6-billion.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

May kinalaman ito sa government contracts na napanalunan ng contruction firm na pag-aari ng ama ng senador.

Tinawag naman ni Go ang naturang alegasyon bilang rehashed at luma.