Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng kombinasyon ng pilot error at ng masamang panahon ang dahilan ng pagkakabagsak ng C-130 airplane sa Sulu.
Sinabi ni Lorenzana na malakas ang hangin noon at tila itinutulak nito ang eroplano na dahilan kung bakit hindi nagawa ng piloto na bagalan ang takbo ito.
Iginiit rin ng kalihim na posibleng may nakaligtaan na gawin ang piloto.

Hindi naman nakikita ni Lorenzana na may depekto ang aircraft dahil bago lang ito, nang dumating noong January 29.
Samantala, inihayag naman ni Armed Forces of the Philippines chief General Cirilito Sobejana na ang piloto ng C-130, na kabilang sa mga nasawi, ay may malawak na karanasan sa pagpapalipad ng C-130 aircraft.
Ipinunto rin ni Sobejana na nabawi na ng mga otoridad ang black box mula sa bumagsak na eroplano.