Tricycle, nabundol ng isang sasakyan sa San Narciso, Quezon; 5-katao, sugatan

Sugatan ang limang katao (5) matapos aksidenteng mabundol ng isang kotse ang sinasakyang tricycle ng mga ito sa Barangay Calwit, San Narciso, Quezon nitong Martes, Setyembre 19.

Ayon sa police report, binabagtas noon ng tricycle na minamaneho ng driver na si Ricky Samson, 27-anyos, ang direksyong northbound nang aksidenteng mabundol ang likurang bahagi nito ng sasakyan na minamaneho ni Jomar Comediero, 28-anyos.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dahil dito, pawang nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang drivers ng tricycle at maging ang apat nitong mga pasahero kung kaya isinugod ang mga ito sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, kasalukuyan namang nasa kustodiya ng awtoridad si Comediero habang nagpapatuloy ang isinasagawang mga imbestigasyon hinggil sa insidente.