CAMARINES NORTE – Inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang isang panukalang ordinansa na magbibigay proteksyon laban sa online sexual abuse and exploitation sa mga bata.
Ito ay alinsunod sa section 3 ng RA 11930 o ang Anti Online Sexual Abuse and Exploitation of Children law kung saan inaatasan ang mga Local Government Unit na magpasa ng enabling ordinance upang maging localize ang mga hakbang sa pagbibigay proteksyon sa mga kabataang nabibiktima ng online abuse.
Sa ilalim ng panukalang ordinansa kabilang sa mga itinuturing na online sexual abuse and exploitation ay ang online child sexual abuse material, pakikipag relasyon sa bata online man o offline, live streaming sexual abuse of children at sextortion.
Inilatag din sa ordinansa ang responsibilidad ng mga hotel, motel at kahalintulad na establishment, money remittance and transfer centers at iba pa. Sa ilalim ng panukalang ordinansa multang P1,000 hanggang P2, 500 na may kasamang kulong ang parusa sa violator.
