Mga Pinay, pinagbawalang pumitas ng malunggay sa ibang bansa

Para sa mga OFWs natin diyan, nami-miss niyo na ba ang pagkaing Pinoy? Nako, alam kong marami kayong paraan para makahagilap ng Filipino food diyan sa ibang bansa, o kaya makaluto ng sarili niyong putahe diyan.

Pero bago magluto, maging maingat sa pagkuha ng mga ingredients….

Trending kasi ngayon sa sa social media ang isang karatula sa United Arab Emirates na inilgay para sa mga Pilipina.

Hindi naman mahirap intindihin ang mensahe ng karatula na nakasabit sa isang maliit na puno ng malunggay.

Nakasaad kasi rito, “Filipina…Pls no picking malunggay. Still young, this tree. No Makulit.”

Nakikiusap ang may tanim sa ating mga kababayang Pinay na huwag munang pipitasin ang mga dahon ng malungggay dahil masyado pang bata ang puno.

Hindi rin ito ikina-offend ng mga Pilipinas at natuwa pa sila dahil maayos naman silang pinakiusapan at nagpapatunay lang raw ito na tirador ng malunggay ang mga Pilipino mapa dito sa Pilipinas o sa ibang bansa.