SORSOGON CITY – Namahagi ng ayuda ang Tourism Office para sa kanilang mga tricycle drivers.
Hakbang ito upang alalayan ang nasabing mga drivers dahil sa krisis na kinakahrap ng mga ito na epekto ng pagtaas ng produktong petrolyo kun saan pinakaapektado ang sektor ng transportasyon.
Sa pahayag ni Information & Tourism head Angel Ayala, sinabi nito na bago pa man ang paglobo ng presyo ng gasolina ay patuloy na ang kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga informal sectors.
Katunayan aniya, sa panahon ng lockdown ay namahagi sila ng tulong sa mga jeepney at tricycle drivers, panadero, barbero, parlorista, kargador, sikad-sikad driver, indigent families at iba pang sektor.
Umabot na umano sa mahigit 1,200 food packs ang naipamahagi ng kanyang opisina sa mga informal sectors mula taong 2020 hanggang 2021.
Ang aktibidad ay inisyatiba umano ng Lokal na Pamahalaan sa pakikipagtulungan ng Provincial Government.
