Tricycle driver na umano’y lasing, inireklamo ng pasahero sa Palawan

Hinuli ng pulisya ang tricycle driver na si Felix M. De Juan matapos siyang ireklamo ng naging pasaherong babae sa Barangay 4 Roxas, Palawan.

Maraming beses na daw itong nagmamaneho ng naka-inom kaya inireklamo na ito ng asawa rin ng tricycle driver.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Kaninang tanghali, nakuha sa suspek ang isang bote na may laman pa na alak.

Nang tanungin ng Brigada ang drayber, sinabi nitong, naka-ugalian nya na lang daw talaga na uminom.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Gayunman, ipinaubaya ng pulisya sa Barangay ang reklamo ng pasahero.

Samantala, maaring maharap sa paglabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013″ o Republic Act No. 10586 si Felix.