PCG: hindi PH ang pinaghahandaan ng China para sa military conflict sa WPS

Naniniwala si PCG Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na maling isipin na ang naging pahayag ni Chinese President Xi Jinping hinggil sa pinaghahandaang military conflict ng China ay para lang sa Pilipinas.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Ayon kay Tarriela, hindi lang naman sa Pilipinas concerned ang China, kung ‘di pati Taiwan, Malaysia, Vietnam at ang buong South China Sea.

Minsan daw ay nagkakaroon ng misconception ang mga Pilipino pero palagay niya ay hindi naman direktang Pilipinas ang pinupuntirya ng China.

Read More:  Baste Duterte says VP Sara impeachment is meant to stop her 2028 presidential bid

Matatandaang noong nakaraang linggo, nanawagan si President Xi Jinping sa kanyang military forces na maghanda para sa isang military conflict, at pagprotekta sa kanilang karaparan sa pinag-aagawang katubigan.