Plenary debates sa isinusulong sa economic Cha-cha, aarangkada na

Sisimulan na ng Kamara ngayong araw ang debate sa plenaryo para sa Resolution of Both Houses Number 7 na nagsusulong ng amiyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Ayon kay House Senior Deputy Speaker at Pampanga Representative Aurelio Gonzales Jr. na isa sa pangunahing may-akda ng RBH 7, tatalakayin sa plenaryo ang report ng Committee of the Whole na magrerekomenda ng pagtanggap sa resolusyon nang walang “amendment”.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Inaasahan din ni Gonzales na magiging mas maigsi na ang diskusyon matapos ang anim na araw na pagbusisi at pagdinig sa Charter amendments sa tulong ng mga eksperto at resource persons.

Batay aniya sa plano, tatlong araw ang gagawing debate at ang botohan sa second reading ay itatakda sa Miyerkoles pagkatapos ng termination of discussions at period of amendments.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Target na maaprubahan ang RBH 7 sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara bago ang Semana Santa.

Kumpiyansa naman si House Speaker Martin Romualdez na makakalap ng Senado ang kinakailangang labingwalong boto o three-fourths ng kanilang miyembro upang mapagtibay ang economic Charter Change proposals.