Tricycle driver, huli sa ilegal na droga sa Roxas Palawan

Arestado ang isang tricycle driver sa Sitio umalad Brgy. Poblacion 4 Roxas Palawan ganap na 9:50 ng umaga ngayong July 5, 2021.

Kinilala ang naaresto sa drug buybust na si Antonito Parreñas Tome alyas “itlog”.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang suspek ay nahuli ng Roxas PNP at Provincial Drug Enforcement Unit , Prov. Intelligence Unit at 2nd PMFC.

Ayon sa kapulisan, si Antonito ay nabilhan ng poseur buyer ng dalawang pakete ng shabu at maliban dito ay narekober din sa kanya ang 3 pakete ng hinihinalang shabu, 2 piraso na tig-isang libong piso,  2 aluminum foil sheet at lighter.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.