Pamilya mula sa Palawan umaasang makikita ang kaanak na isang sundalong kasama sa pagbagsak ng C-130 sa Sulu.

Umaasa ang pamilya mula sa Palawan na makikita ang kaanak na isang sundalong kasama sa pagbagsak ng C-130 military cargo plane sa Patikul, Sulu nitong linggo July 4, 2021.

Ayon kay Joseph Alquisar kapatid ng sundalong nawawala na si Marcelino  Alquisar 31 anyos tubong Mindanao at naninirahan din sa Roxas, Palawan ang kanilang pamilya.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Si Marcelino  ay kabilang sa listahan na nawawala sa aksidenteng bumagsak na eroplano kahapon ng umaga.

Nagtrabaho bilang security guard noon si Marcelino sa Puerto Princesa City at dahil pangarap maging isang sundalo nagtraining ito hanggang sa nakapasa at nagsilbing sundalo sa lungsod bago naitalaga sa ibang lugar.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Ikinagulat ng pamilya ang nangyari sa kanilang kapatid at hanggang ngayon ay umaasahang makikita ang katawan nito.

Matatandaan bumagsak ang eroplano na may 96 na pasahero at tinatayang nasa 42 na sakay ng eroplano ang nasawi habang nasa 3 naman na nasa lupa nang mangyari ang aksidente ang binawian ng buhay.