‘Trespassing’ claim ng China sa Ayungin shoal walang basehan – Lorenzana

Nanindigan si Defense Secretary Delfin Lorenzana na sakop ng soveriegn rights ng Pilipinas ang Ayungin shoal.

Ginawa ni Lorenzana ang pahayag matapos igiit ng China na trespassing umano ang ginagawa ng mga barko ng Pilipinas sa naturang lugar.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Pinaalis rin ng Tsina ang BRP Sierra Madre na ilang taon nang nasa bahagi ng Ayungin shoal.

Binigyan-diin ni Lorenzana na may hawak na mga dokumento ang Pilipinas na nagpapatunay na bahagi ito ng teritoryo ng bansa hindi katulad ng China na wala man lang historic at legal basis.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Dagdag pa ng kalihim noong 1982 ini-award sa Pilipinas ang exclusive economic zone (EEZ) sa pamamagitan ng UNCLOS.

Kasama sa mga nagratify sa UNCLOS ayon kay Lorenzana, ang China kaya dapat lamang na sumunod ang bansa sa international obligations nito