LTFRB umapela sa mga operators na ibigay sa mga tsuper ang fuel subsidy

Pinaalalahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga operators na ibigay sa kanilang mga drayber ang P7,200 na fuel subsidy.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III nakasaad sa Section 82 ng R.A. No. 10963 o TRAIN LAW na ang mga benipisaryo sa fuel subsidy ay mga qualified franchise holders.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Subalit nilinaw ni Delgra na ang mga nagmamaneho naman ang gumagastos ng krudo kaya dapat ibigay ng mga operators ang Pantawid Pasada Program card sa mga drayber nito.

Read More:  VP Sara camp ready for Senate impeachment trial

Kahapon nang simulan ng LTFRB ang pamamahagi ng ayuda bilang tugon sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Inilahad ni Delgra na naipasok na ng Landbank ang P7,200 fuel subsidy sa 85,000 active PPP cards habang nasa 50,000 cards pa ang pinoproseso ngayon ng banko.