𝗧𝗥𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗛𝗨𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗜 𝗠𝗚𝗕 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗡𝗖𝗛𝗘𝗧𝗔 Inihayag ni Mines and Geosciences Bureau (MGB) R02 Regional Director (RD) na si Engr. Mario Ancheta na hindi nito hinihikayat ang pagsasagawa ng treasure hunting.
Sa panayam ng Brigada News FM Cauayan kay RD Ancheta, pabiro nitong hirit na kung mismong ang mga hapon na ang nagsabi ng lokasyon ng mga kayamanan ay pupwede lang.
Ang naturang pahayag ay may kaugnayan sa insidenteng kinasangkutan ng mga miners na na-trap sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya kamakailan.
Aniya, lumabas sa kanilang assessment na treasure hunting ang dahilan kung bakit nangyari ang nabanggit na insidente.
Dagdag pa ni RD Ancheta, tiyakin ng mga miners ang pag-assess sa layers ng lupa upang maiwasan ang kaparehong trahedya