Nanunsyong pagbubukas ng Cabagan- Sta. Maria bridge ngayong huling linggo ng hunyo, hindi matutuloy

𝗡𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡-𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗡𝗬𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways Regional Office II na hindi muna matutuloy ang unang ipinabatid na pagbubukas ng Cabagan-Sta. Maria Bridge ngayong huling linggo ng Hunyo sa mga light vehicles.

Ayon sa kagawaran, bagaman ginagawa ng kanilang pamunuan at contractor ng naturang project ang lahat ng pamamaraan upang mapabilis na matapos ang tulay ay naapektuhan pa rin ang sana’y pagbubukas nito dahil ilan sa mga construction materials mula sa mga international suppliers ay hindi dumating sa itinakdang panahon.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Kagustuhan man ng kagawaran na buksan na sa publiko ang naturang iconic bridge ay minabuting siguraduhin munang makumpleto ito upang maiwasan ang anumang untoward incident.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Tiniyak naman ng DPWH Region 2 na matatapos ang Cabagan-Sta. Maria Bridge sa target date ng pagiging fully operational nito sa buwan ng Setyembre ngayong taon kung saan maaari itong daanan ng light at heavy vehicles.