CAMARINES NORTE – Tatlo sa sampung bata o tinatayang tinatayang 26. 6% edad limang taong gulang pababa sa Pilipinas ang apektado ng pagkabansot o stunting noong 2023 batay sa iprinesentang datos ng Provincial Health Office sa pagsisimula ng nutrition month celebration noong Lunes.
Nagdudulot umano ito ng negatibong epekto sa isang bata lalo na sa brain development at nagkakaroon din ng “poor cognition” at educational performance na ang epekto ay hanggang sa pagtanda.
Sa flag raising ceremony noong Lunes sa Camarines Norte Provincial Hospital Ground, ipinaliwanag ang lahat ng uri ng malnutrisyon gaya na lang ng kulang sa timbang base sa edad, pagkabansot, kulang ng taas kumpara sa edad, wasted o pagiging payatot, kulang ang timbang kumpara sa taas at overweight o obese o labis sa timbang kumpara sa taas.
Ang pagiging overweight at obsese umano habang nagkakaedad ay nagdudulot ng mataas na tyansa ng mababang produktibo sa trabaho at pagkakaroon ng mga sakit dulot ng sobra at labis na timbang na nakakaapekto sa lahat ng edad.
Ayon naman umano sa 2021 expanded national nutrition survey ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) mayroong 14 % at 30 % o dalawa sa mga bata edad lima hanggang sampu at sampu at 19 na taong gulang ang overweight o obese at 40. 2 % o apat sa sampung adult edad 20 haanggang 59 ang sobra sa timbang.
