Transportation Sec. Bautista, wi-nelcome ang pagbawi ni dating LTFRB exec assistant Tumbadosa mga alegasyon ng kurapsyon

Nilinaw ni MANIBELA national president Mar Valbuena na prerogatiba na ni Jefferson Tumbado kung babawiin nito ang kaniyang alegasyon ng kurapsyon sa LTFRB.

Sabi ni Valbuena – hindi na nila maipigilan ang pagkambyo ng dating LTRFRB executive assistant.

Read More:  Marcoleta says threats to Guteza’s life and family may have driven his recantation

Nilinaw din niyang si Tumbado ang lumapit sa kanila bago nila isagawa ang press conference kung saan isiniwalat ang alleged corruption at ang kanilang planong tigil-pasada.

Read More:  DPWH warns public over fake documents using Secretary Vince Dizon’s signature

Samantala, para naman kay Transportation Sec. Jaime Bautista – wine-welcome nila ang recantation ni Tumbado.

Sabi ng Kalihim, mabuti raw at nagsabi na ng totoo ang dating LTFRB official at nalinawan ang lahat na ‘di siya kasama kung mayroon mang kalokohan sa tanggapan.