Mga naulila ni Gumikib, ‘di tanggap ang autopsy result

Hindi raw lubos matanggap ng nanay ni Francis Jay Gumikib na inalis na ang anggulong pananampal sa dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak.

Kung maaalala, sa resulta ng autopsy ay lumabas na hindi ang mismong pananampal ang ikinamatay ng grade 5 student na bata.

Ayon kay Elena Minggoy, masakit daw ang naging resulta ng otopsiya.

Aniya, mula lang naman daw talaga nang masampal si Francis ay tska lang nagkaroon ng mga sintomas ang kaniyang anak.

Muli rin niyang idiniin na walang sakit ang kaniyang anak mula noong baby pa lamang ito.

Dahil dito, pinag-iisipan daw nilang 3rd party ang magsasagwa ng autopsy.

Pinayuhan naman ng Antipolo City PNP ang pamilya ni Gumikib na magpa-second opinion sa ibang mga eksperto sakaling nais pa rin ituloy ang kasong homicide laban sa Guro nito na sumapal sa bata.

Sa panayam ng Brigada News FM kay PLTCOL. Ryan Manongdo, Chief of Police, Antipolo City Police Station, nilinaw nito ang naging resulta ng autopsy ni Gumikib na lumalabas na walang kaugnayan ang sampal na natamo ng bata mula sa teacher nito.

Ayon kay PLTCOL. Manongdo, mahahaharap pa rin sa reklamong child abuse ang Guro ng biktima na ngayon ay pinatawan na rin ng 90 na suspension ng DepEd ngunit sakaling igigiit pa rin ng pamilya ay hindi naman aniya nila ito pipigilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *