Transport group nababagalan sa kilos ng LTFRB para maipatupad ang P10 minimum fare

Nababagalan ang ilang transport group sa kilos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maipatupad ang P10 minimum fare.

Ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Lando Marquez bagama’t aprubado na ang piso na dagdag singil sa pamasahe hindi pa naman malinaw kung kailan ito maipapatupad.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Kung tutuusin pwede naman umanong agad na ipatupad ang P10 minimum fare kung susundin lamang nito ang naunang memorandum kung saan nakasaad dito ang formula sa pagtatas ng pamasahe.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Kasabay nito inihayag ni Ka Lando na kung hindi kayang sundin ng mga taga-LTFRB ang kanilang mga memorandum ay mas mainam na bumababa na lamang ito sa kanilang mga pwesto.